Manila, Philippines
News Ticker

[Video] 10-taong gulang na batang may autism, pinahanga ang mga netizens sa mala-anghel na pag-awit ng “Hallelujah”

Image capture of video by Hollywood Life via YouTube channel

Isang sampung taong gulang na batang babae na may autism ang nagpahanga at nagbigay ng lubos na kaligayahan sa mga social media users matapos mapanood ang mala-anghel niyang pag-awit ng “Hallelujah.”

Sa isang video, makikitang pinangunahan ni Kaylee Rodgers, may autism at Attention Deficit Hyperactivity Disorder, ang kanyang mga kaeskwela sa Killard House School sa Donaghadee, Northern Ireland, sa pag-awit ng “Hallelujah” na orihinal na inawit at pinasikat ni Leonard Cohen na pumanaw nito lang buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Inquirer, magpe-perform sana si Kaylee sa Christmas concert sa kanilang school pero hindi siya nakadalo dahil nagkasakit siya noong araw na iyon kaya ipinalabas na lang ng school principal na si Collin Millard sa event  ang isang video clip na kinunan sa practice ng kanilang performance.

In-upload naman sa Facebook ni Nichola Martin, ina ng isang bata na kasama sa choir, ang naturang video at ngayon ay umani na ng mahigit isa at kalahating milyong views.

Sa isang panayam sa ITV, sinabi ni Kaylee na namangha siya sa napakaraming views ng kaniyang performance.

Narito ang video ng performance ni Kaylee Rodgers:

Source :

Inquirer, ITV

This article has been viewed 1154 times.
Loading...