2 Pinay, kulong sa Saudi dahil sa nakapangingilabot na pagpatay sa babaeng amo


Shutterstock image by SynthEx

Dalawang babaeng overseas Filipino workers ang nakakulong ngayon sa Saudi Arabia matapos ang nakapangingilabot na pagkamatay ng kanilang babaeng amo noong Nobyembre.

Sinabi ni Vice Consul Alex Estomo, ang head ng Legal Assistance to Nationals Section ng Philippine Consulate sa Jeddah sa Saudi Arabia, na umanin ang isa sa dalawang Pinay na siya ang pumatay sa kanilang  babaeng employer.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi ng OFW, na kinilala lamang bilang Rina, na sasaksakin siya ng amo at sa pagtatatanggol sa sarili ay napatay niya ito. Inamin ni Rina sa Saudi prosecutors na siya ang pumatay sa employer at iginiit na inosente ang isa pang Pinay na katrabaho niya.

Labing-apat na tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng babaeng employer, ayon kay Vice Consul Estomo.

Umaasa si Estomo na mapapalaya ang kasama ni Rina dahil sa kanyang testimonya.

“Nung iniimbestigahan ng prosekusyon si Rina ay inamin din naman niya doon na siya lang ang gumawa ng krimen at wala pong kinalaman ang kanyang kasama kaya inaasahan natin na sana sa mga susunod na araw o linggo ay ma-release na ang isa kung talagang mapatunayan na wala siyang kinalaman sa pagpatay na ito,” sabi ng vice consul.

Kuwento naman ng kasama ni Rina, nagtago siya sa loob ng banyo at ikinandado iyon noong umatake ng  pananaksak ang amo. Lumabas lang umano siya nang dumating na ang mga Saudi Police.

 

Source :

GMA Network, MSN

This article has gone viral and has been viewed 33873 times so far. Article originally posted: December 28, 2016, 7:35 am (UTC-0). Last update: December 28, 2016 at 7:35 am (UTC-0).

Facebook Comments