Babaeng empleyado nalaglag sa tangke ng kumukulong tsokolate habang inaabot ang nahulog na cellphone


Image from Scallywag and Vagabond

MAYNILA, Philippines – Isang kalunos-lunos na trahedya ang sinapit ng isang batang ina na empleyado ng isang pagawaan ng tsokolate sa Russia kamakailan.

Ayon sa ulat ng mga lokal na pahayagan, nasawi umano ang 24-anyos na si Svetlana Roslina, empleyado ng Sergiev-Posad confectionery factory sa Fedortsovo, matapos itong mahulog sa tangke ng kumukulong tsokolate.

Hindi naman matukoy kung ano ang eksaktong nangyari sa babae dahil may dalawang bersiyon ng kuwento na lumalabas sa mga ulat.

Ayon sa unang bersiyon, nahulog umano ang cellphone ni Roslina sa isang mixer na nagtutunaw ng chocolate. Tinangka niya itong kunin subalit tuluyan siyang nahulog at hindi na makaalis.

Halos malusaw umano ang katawan ng biktima at ang mga paa na lang ang natirang buo.

“She was minced, only her legs were left,” ayon sa isang source ng lokal na pahayagan.

Ngunit sabi naman ng ibang nakasaksi, naglalagay umano ng arina si Roslina sa isang mixer nang mahulog ito doon.

“The girl was dragged in when she was trying to empty a sack,” giit naman ng isa.

Si Roslina ay may-asawa at mayroong dalawang malilit na anak na hindi lalampas sa limang taong gulang ang panganay.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

This article has gone viral and has been viewed 18676 times so far. Article originally posted: December 15, 2016, 4:57 am (UTC-0). Last update: December 15, 2016 at 7:43 am (UTC-0).

Loading...