Carrie Fisher, ang “Princess Leia” sa orihinal na Star Wars, kritikal matapos atakehin sa puso


Image capture of video by Ewansgurl via YouTube channel

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang aktres na si Carrie Fisher matapos ang massive heart attack habang sakay ng eroplano mula London patungong Los Angeles noong Biyernes, ika-23 ng Disyembre.

Ayon sa TMZ, lulan ng Untied Airlines flight 935 ang 60-anyos na aktres na gumanap na Princess Leia sa orihinal na pelikulang “Star Wars” nang tumigil ang pintig ng kanyang puso labinglimang minuto bago lumapag ang eroplano sa Los Angeles International Airport (LAX).

Mabuti na lamang umano ay may isang emergency medical technician sa mga pasahero at binigyan nito si Fisher ng cardiopulmonary resuscitation o CPR dahil huminto umano ang paghinga ng aktres sa loob ng sampung minuto.

Agad na sumaklolo ang mga LAPD firefighter paramedics sa LAX at isinugod sa UCLA Medical Center ang noon ay walang malay na aktres. Isa sa mga sumaklolo kay Fisher na tumangging magpakilala ay nagsabing hindi maganda ang kalagayan nito.

Source :

TMZ, Telegraph, Mirror

This article has been viewed 454 times. Article originally posted: December 24, 2016, 7:03 am (UTC-0). Last update: December 24, 2016 at 7:03 am (UTC-0).

Facebook Comments