Manila, Philippines
News Ticker

CCTV footage ipinakita umano kung paano ‘tinaniman’ ng shabu ang isang estudyante sa GenSan

Image capture of video by “Katotohanan sa likod ng kasinungalingan” Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Isang CCTV footage ang ibinahagi sa social media na nagpapakita umano kung paano ‘tinaniman’ ng shabu ng mga pulis ang isang Criminology student sa General Santos City na naaresto kamakailan.

Sa mahigit 6-minutong footage na ibinahagi sa Facebook page na “Katotohanan sa likod ng kasinungalingan”, isinasalaysay ng isang boses kung paano daw sadyang tinaniman ng pakete ng shabu ang bulsa ng estudyante habang inaaresto ito.

Maaaring ang tinutukoy na estudyante sa video ay si Asrap Usman, 22 anyos, at nag-aaral sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si Usman ay nahuli sa isang ‘drug buy-bust operation’ noong ika-6 ng Disyembre.

Narekober umano sa naturang estudyante ang ilang pakete ng shabu, perang nagkakahalaga ng P60,000 at ‘marked money’ na P500 na ginamit para bumili ng droga mula sa kaniya ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Noong una umano’y tumanggi si Usman na nagbebenta siya ng droga, subalit umamin na rin ito kinalaunan habang kinukuwestiyon.

Kinumpirma din ni Police Superintendent Maximo Sebastian Jr., hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ng Region 12 na may nakapagbigay sa kanila ng tip na sangkot nga si Usman sa bentahan ng droga.

Subalit ayon sa nagkukuwento sa CCTV footage, malinaw na tinaniman lang ang estudyante at saka pilit na pinaamin ito ng mga pulis.

Makikita rin sa unang bahagi ng video na nakahawak sa bulsa ng pantalon ng estudyante ang isang hindi unipormadong pulis umano na umaresto sa estudyante.

Mistulang sinasaktan din ng mga lalaki ang estudyante habang nakaupo ito sa mesa.

Ayon pa sa nagkukuwento, puwersahang pinaamin ang naturang estudyante at tinakot itong babarilin at palalabasing nanlaban o tumakas.

Panoorin ang video sa baba at suriin kung sino ang nagsasabi ng totoo:

This article has gone viral and has been viewed 26426 times so far.
Loading...
  • Ric Atencia

    Paano natin malaman kung pulis talaga sila?

  • Junk Data

    Kakatawa naman. Malabo hindi mo yan madadala sa korte.

  • Junk Data

    Misinformation.
    1:54 Nakita nyo ba na sa bulsa talaga nakahawak?
    Nakita mo ba nilagay sa bulsa? Kung magtatanim ka lagay muna bago huli.
    Wag mo i-generalize ang mga pulis lalo na sa lugar na ‘yan. General Santos City, South Cotabato?
    Meron din akong nakitang picture tinaniman daw ng baril. Hindi ba pwede kinukuha lang ang baril dahil hindi naman video ang Picture na kinunan mo lang ng picture kala mo nagtatanim ng baril. Kita naman na may gloves.