Manila, Philippines
News Ticker

Debbie Reynolds, namatay isang araw lang matapos pumanaw ang anak na si Carrie Fisher

Image capture of video by Mirror

Sumakabilang-buhay ang 84-anyos na beteranang akters na si Debbie Reynolds, isang araw lang matapos pumanaw ang kanyang anak na si Carrie Fisher na sumikat bilang si Princess Leia sa pelikulang Star Wars.

Ayon sa Daily Mail, isinugod si Debbie Reynolds sa isang ospital sa Los Angeles mula sa kanilang bahay sa Beverly Hills noong Miyerkules, ika-28 ng Disyembre, dahil na-stroke umano ito. Ilang oras lang ang lumipas, kinumpirma ni Todd Fisher, kapatid ni Carrie Fisher, na pumanaw na rin ang kanilang ina.

“She’s with Carrie [Kasama na siya ni Carrie],” ani Todd.

Si Debbie Reynolds ay sumikat sa pelikulang “Singing in the Rain” noong 1952  at sa  1964 musical na “The Unsinkable Molly Brown” kung saan nakakuha siya ng Oscar nomination para sa Best Actress.

Ikinasal siya sa sikat na mang-aawit na si Eddie Fisher at naging anak nila si Carrie at Todd. Nagkahiwalay sila ni Eddie nang makarelasyon ng singer si Elizabeth Taylor.

Ating silipin ang isa sa mga naging sikat na pelikula ni Reynolds.

 

This article has been viewed 1066 times.
Loading...