Duterte: 5 hanggang 6 bibitayin araw-araw kapag naibalik ang d***h penalty

Image from Loop

Lima hanggang anim na nahatulang kriminal ang balak bitayin ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag naibalik ang d***h penalty sa bansa.

Ang pahayag ay sinabi ng Pangulo noong dumalo siya sa ika-38 na kaarawan ni Senador Manny Pacquiao na ginanap sa General Santos City noong Sabado ng gabi, ika-17 ng Disyembre.

Ayon sa ulat ng Philstar, ipinahiwatig ni Pangulong Duterte na kaya hindi naging epektibo noon ang d***h penalty para mapigilan ang krimen ay dahil kakaunti lamang ang isinagawang pagbitay.

“Eh may d***h penalty wala namang nangyari noon. Eh anak ka ng… ibalik mo sa akin ‘yan, ako ang mag… araw-arawin ko yan, lima o anim. Totoo,” banta ng Pangulo.

“Kaya ko hinihingi kasi talagang hihiritan kita. Eh, kung ayaw n’yo ibalik ang d***h penalty, eh ‘di ibang hirit tayo,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng iminungkahing batas na magbabalik sa parusang kamatayan, ang mga sususunod na krimen ang papatawan ng d***h penalty:

1. Treason
2. Qualified piracy
3. Qualified bribery
4. Parricide
5. Murder
6. Infanticide
7. R**e
8. Kidnapping and serious illegal detention
9. Robbery with violence against or intimidation of persons
10. Destructive arson
11. Plunder
12. Importation of dangerous d***s and or controlled precursors and essential chemicals
13. Sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of dangerous d***s and or controlled precursors and essential chemicals
14. Maintenance of drug den
15. Manufacture of dangerous d***s and or controlled precursor and essential chemicals
16. Possession of dangerous d***s
17. Cultivation or culture of plants classified as dangerous d***s
18. Unlawful prescription of dangerous d***s
19. Criminal liability of public officer for misappropriation, misapplication or failure to account for the confiscated seized or surrendered d***s
20. Criminal liability for planting evidence
21. Carnapping

Source :

Philstar, Malaya

Loading…