Ikalawang “kutsara” nakita sa Mars, katunayan daw na dati ay may buhay doon?


Image capture of video by Secure Team via Mirror

Nakakita na naman ang mga “alien hunters” ng isang “kutsara” sa isa sa maraming larawan na kuha ng National Aeronautics Space Administration (NASA) rover sa Mars.

Ayon sa Mirror, naniniwala ang mga panatiko ng mga aliens na ang nakitang kubyertos ay isang matibay na ebidensiya na may mga nakatira noon sa planetang Mars. Anila, ang “kutsara” ay maaaring naiwan mula sa isang lost civilization doon.

Sa isang video ng Secure Team na nagviral na sa internet mula nang i-upload sa YouTube, ito ang sinabi ng narrator: “We have yet again another piece of evidence found on the planet Mars that would indicate that not only was it once inhabited by an alien life, but that alien life may have just been more human than we think.”

[May isa na namang piraso ng ebidensiya na nakita sa planetang Mars na nagpapahiwatig na hindi lang may nanirahang alien life doon, kundi ang nasabing alien life ay maaaring mas tao pa kaysa sa iniisip natin.]

Ikalawang kutsara na iyon na nakita sa mga larawan na kuha ng Mars Curiosity rover. Noong 2015 ay may nakita doon na kutsara na mistulang nakalutang.

Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga nagkomento sa video.

Sabi ng isa, maaaring rock formation lang ang “kutsara”  o kaya ay isang optical illusion lamang. Ayon naman sa isa pa, kung ang nakita ay isang bagay na yari sa kahoy o metal, ipinapakita noon na may dating nanirahan doon.

Isa pa ang nagsabing “nakikita natin ang gusto nating makita. May nakakakita nga ng mukha ni Hesus sa dahon ng tsaa at may nakikitang mukha ng tao sa buwan.”

Narito ang video na ibinahagi sa YouTube ng UFO Hunter:

Narito naman ang larawan ng unang nakitang “kutsara” na tila nakalutang:

Image capture of video by Paranormal Crucible

 

This article has been viewed 11882 times. Article originally posted: December 29, 2016, 4:13 am (UTC-0). Last update: December 29, 2016 at 4:13 am (UTC-0).

Facebook Comments