[Inspiring] Isang pamilyang Pilipino man lang ay makapagpaligaya ako ngayong Pasko — ‘Ang Probinsiyano’ Coco Martin


May hihigt pa ba sa ligayang nararamdaman ng taong may nagawang mabuti sa kanyang kapwa?

Sa pagpasok ng simoy ng Pasko sa Pilipinas, maraming OFW ang nasasabik na makapiling ang kani-kanilang pamilya sa bansang nilisan. Dahil sa espiritu ng kapaskuhan, marami rin ang nagbibigay kasiyahan sa komunidad, sa mga organisasyon at mga maralita.

Ngunit para sa  pangunahing karakter ng teleseryeng “Ang Probinsiyano” na kinagigiliwan ng marami, ang aktor na si Coco Martin na gumaganap bilang SPO2 Ricardo “Cardo” Dalisay, ay naghangad na makapagpaligaya kahit man lang isang pamilyang Pilipino, at isang OFW sa Saudi Arabia ang humaplos kanyang puso at ninais niyang matulungan.

Tunay na nasurpresa si Ferdinand Acapulco, isang manggagawa sa Al Khobar sa Saudi Arabia na apat na taon nang nawalay sa pamilya, nang siya ay pinamaskuhan ng aktor ng ligayang hindi niya inakala na makakamit niya. Kabilang si Acapulco sa libo-libong Pinoy na nagkaproblema sa kanilang kompanya at naipit sa KSA.

Sa pakikipagtulungan ng aktor sa ABS CBN at TFC, naiayos ang pag-uwi ng padre de pamilya sa Pangil, Laguna at sinurpresa nila ang pamilya ng OFW sa Pilipinas. Ngayon ay magkakasama nilang sasalubungin ang Pasko at Bagong Taon.

Simple ngunit malalim ang mensahe ni “SPO2 Cardo” sa mga tao. Hindi sa dami ng ating kayang tulungan nasusukat ang kaligayahan, kundi sa kadalisayan ng ating hangarin na maging blessing sa ating kapwa.

Panoorin ang nakaaantig na pagkikita:

Ibinahagi rin ito sa You Tube:

This article has been viewed 439 times. Article originally posted: December 23, 2016, 1:53 pm (UTC-0). Last update: December 23, 2016 at 1:53 pm (UTC-0).

Facebook Comments