[Panoorin] Kris Aquino, napakain ni Maine Mendoza ng isaw


Image capture of video by Kris Aquino via Facebook

Isaw o binarbekyung bituka ng manok, isang napakapopular na street food na kahit mga college students sa mga prestihiyosong unibersidad ay pumipila para makabili nito.

Pero hindi si Kris Aquino. Ayaw na ayaw ng Queen of Talk ng isaw.

“Eeewwww… kadiri.” Ito marahil ang nasa isip ng aktres at talk show host kapag nakakakita ng isaw. Pero napakain siya nito ni Maine Mendoza, ang kalahati ng “AlDub” loveteam.

Sa isang video na ibinahagi ni Kris sa kanyang Facebook page, ipinakita doon na humiling si Maine Mendoza ng isang bagay sa kanya.

“Miss Kris, pwedeng uhm… meron lang po akong gustong… favor. Kasi meron akong favorite food…kung pwede lang po sana,” hiling ni Yaya Dub na gustong pakainin ng isaw si Kris.

“Oh, my God. It’s isaw,” sambit ng nagulat at medyo natigilang host ng bagong online show.

Noong una ay tumanggi si Kris. Aniya, maging si Darla Sauler, writer ng ABS-CBN at sidekick niya noon sa “Kris TV,” ay hindi siya napakain ng isaw kahit anong pilit nito.

“One lang, Miss Kris. Please?” pagsusumamo ni Maine.

At dahil naging mabait raw sa kanya ang phenomenal actress at Eat Bulaga dabarkads, nagpaunlak si Kris na kumain ng pinakaaayawan niyang isaw.

Panoorin ang video sa Facebook page ni Ms. Kris Aquino.

Source :

Facebook, PEP, Bandera

This article has been viewed 3209 times. Article originally posted: December 30, 2016, 6:19 pm (UTC-0). Last update: December 30, 2016 at 6:19 pm (UTC-0).

Facebook Comments