LGBT-Caraga, kinondena ang panggagahasa ng bakla sa isang dalagita


Image from DWIZ

 

Isang bakla na residente sa lungsod ng Cabadbaran sa Agusan del Norte ang nanggahasa umano sa isang menor de edad na babae. Ang panghahalay ay kinumpirma ni Cabadbaran City Mayor Katrina Mortola.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, kinondena umano ito ng grupo ng Lesbian, Transgender, Gay at Bisexual o LGBT sa Caraga Administrative Region .

Mariing kinondena ni Isang Bagasbas, tagapangulo ng LGBT Caraga, ang ginawa ng “kabaro.” Aniya, nahihiya siya sa ginawa ng bakla at iginiit na hindi nila tino-tolerate iyon.

Nilinaw ni Bagasbas na hindi naman lahat ng bakla sa kanilang lugar ay miyembro ng LGBT Caraga, pero nangako siya na kukunin ang detalye ng isidente upang makagawa sila ng karampatang hakbang.

Ang biktima ay kasalukuyang tinutulungan ng lokal na pamahalaan ng Cabadbaran City.

Source :

Bombo Radyo

This article has been viewed 5758 times. Article originally posted: December 16, 2016, 1:09 pm (UTC-0). Last update: December 16, 2016 at 1:09 pm (UTC-0).

Loading...