Mga scientists magpapadala ng mensahe sa alien civilizations sa ibang planeta


Image from METI

Sa halip na maghintay at mag-abang ng mga mensahe na magbubuhat mula sa mga “intelihenteng nilalang” sa ibang planeta, isang grupo ng mga siyentista ang nagpasya na panahon na upang ang mga tao ang magpadala ng mensahe sa kanila.

Ang San Francisco-based na grupo na tinatawag na METI o Messaging Extraterrestrial Intelligence ay umaasa na makapagsimula ng pakikipag-ugnayan sa mga alien civilizations sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga paulit-ulit at intensyonal na mensahe – sa pamamagitan ng radio o laser signals – sa mga exoplanets o mga planeta sa labas ng ating Solar System.

Ayon sa ulat ng Phys.org, unang target ng METI ang isang mabatong planeta na umiinog sa palibot ng Proxima Centauri; ang bituin na pinakamalapit sa ating Sun. Bago umano matapos ang 2018 ay makapagpapadala na sa nasabing exoplanet ng mensahe na magsisimula sa simpleng “hello.”

Kontrobersiyal ang plano ng METI, may mga bumabatikos at may umaayon. May ilang nagtatanong: “Paano kung salbahe ang mga aliens… gusto ba natin na malaman nila kung nasaan tayo?”

Sabi ni Stephen Hawking, na tutol din sa ideya: “Hindi tayo dapat tumatawag ng pansin.”

May sumusuporta naman sa gusto ng METI. Sabi ng astronomer na si Seth Shostak: “Masaya ako na makitang maisakatuparan iyon. Sa tingin ko meron tayong matututunan dito at walang dapat ikatakot. Naroroon ang posibilidad na may bago tayong matutuklasan: “Hindi tayo nag-iisa.”

 

Source :

Phys.org, Circa, Tech2

This article has been viewed 865 times. Article originally posted: December 28, 2016, 2:22 am (UTC-0). Last update: December 28, 2016 at 2:22 am (UTC-0).

Loading...