Microsoft PH, DepEd, magbibigay ng container van classrooms sa mga lugar na walang kuryente


Image from Enterprise innovation

Bago dumating ang kapaskuhan ay sisimulan na ng Microsoft Philippines at Department of Education ang Egg Project na naglalayong magbigay ng mas maayos na edukasyon sa mga mag-aaral na nasa malalayong lugar sa bansa na walang suplay ng kuryente at internet signal sa pamamagitan ng mga container vans na ginawa upang maging classroom.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, unang mabibiyayaan ng naturang proyekto ang bayan ng Puray sa Rizal.

Ang bawat “egg” o ang self-contained container vans na ginawang silid-aralan ay may 30 tablet computers at isang telebisyon kung saan ipalalabas ang mga aralin.

Solar-powered ang container van classroom at gumagamit ng “athmospheric water generation unit” upang hindi maging mainit sa loob nito. Ayon kay David Tapang, Education Lead ng Microsoft Philippines, kayang patakbuhin ng hanggang tatlong araw ang isang “egg” gamit ang enerhiyang naimbak ng mga solar panel.

Ang mga tablet computers , ayon pa rin kay Tapang, ay naglalaman ng mga aralin mula sa DEpEd at isinama na rin ang Wikipedia upang makapagsagawa ng pananaliksik ang mga mag-aaral.

 

Source :

ABS-CBN, Rappler

This article has been viewed 162 times. Article originally posted: December 12, 2016, 11:58 am (UTC-0). Last update: December 12, 2016 at 12:11 pm (UTC-0).

Facebook Comments