OFW nanalo ng kotse na nagkakahalaga ng P1-M sa Korooti-NAIA raffle draw


Image from Korooti Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia ang masuwerteng nanalo ng isang kotse na nagkakahalaga ng P1-M sa ginawang raffle draw ng Korooti sa Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes, ika-22 ng Disyembre.

Ang pamaskong patimpalak ay mula sa kagandahang-loob ng Korooti, isang pribadong kompanya na nakabase sa Middle East, at sa pakikipagtulungan ng Manila Internationa Airport Authority o MIAA.

Ito ay bukas para sa mga OFW mula sa Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE) na gumagamit ng kanilang ‘special discount card’ para mamili ng mga pasalubong o kaya ay gamitin para sa iba’t-ibang serbisyo na kanilang ibinebenta.

Kinilala sa ulat ni Raoul Esperas para sa ABS-CBN News ang masuwerteng OFW na si  Juvelyn P. Labajo na nagtatrabaho sa Jeddah.

Maaaring iuwi ni Labajo ang isang bagong Renault na kotse na nagkakahalaga ng P1-M o kaya ang katumbas na halaga nito sa pera.

Ayon kay Tariq Khalil Farekh, executive officer ng Korooti, ang patimpalak ay ginawa upang kilalanin ang mga naging paghihirap ng mga Pinoy na trabahador sa Middle East.

This article has been viewed 408 times. Article originally posted: December 23, 2016, 4:43 am (UTC-0). Last update: December 23, 2016 at 11:04 am (UTC-0).

Loading...