Manila, Philippines
News Ticker

Pagpapakasal ng tao at robot posibleng maging legal sa 2050, sabi ng mga eksperto

Image from Salvo

Marami pa ang nagdedebate ngayon sa katumpakan o legalidad ng pagpapakasal ng dalawang taong may magkaparehong kasarian o same-sex marriage, pero ang ilang mga siyentista ay nakatuon na ang atensyon sa panghinaharap, at naniniwala sila na kabilang na doon ang pag-iisang dibdib ng tao at robot.

Ginawa ang prediksiyon sa isang kumperensyang tinawag na “Love and Sex with Robots” na ginanap noong nakaraang linggo sa Goldsmith University sa London.

Ayon sa ulat ng Fortune, ang hula ay ginawa ni David Levy, ang may akda ng isang aklat tungkol sa pagmamahalan sa pagitan ng tao at robot. Aniya, magiging legal ang pagpapakasal ng tao sa isang robot sa taong 2050.

May mga ilang eksperto na nagpahayag ng kanilang pag-aalinlangan sa predikisyon ni Levy, pero suportado ito ni Adrian Cheok, isang professor sa London. Sinabi niyang hindi naman malayong mangyari ang prediksiyon.

“Tila mapangahas ‘yon (prediksiyon) dahil 35 years away lang. Pero noong nakaraang 35 taon, ang ideya ng homosexual marriage ay isang kapangahasan. At hanggang noong 1970’s, ilang bansa o estado ang hindi pumapayag na magpakasal ang taong puti at itim. Tunay na mabilis ang pag-unlad at pagbabago ng lipunan,” sabi ni Cheok.

Sinabi pa ni Cheok ang pakinabang sa pagsasama ng isang tao at robot. Aniya, “a lot of human marriages are very unhappy. Compared to a bad marriage, a robot will be better than a human.”

[Maraming kasal ng tao ang hindi maligaya. Kumpara sa hindi magandang kasal, ang robot ay mas mainam pa sa tao.]

Source :

Fortune, QZ, MSN

This article has been viewed 2063 times.
Loading...