[Panoorin] Video ng mga biriterong batang Tacloban habang nangangaroling, nag-viral!


Maraming bata ang natutuwa sa panahon ng kapaskuhan dahil ito ang pagkakataon nilang makapag-karoling at magkaroon ng pamaskong pera. Kaya hindi nakapagtataka na kahit saan ay maraming bata ang makikitang araw man o gabi ay nangangaroling— at hindi lamang sa mga bahay-bahay.

Gaya na lamang ng isang grupo ng kabataan mula sa Tacloban na kinatuwaan ng isang customer na nakatiyempo sa kanilang pangangaroling sa isang kainan.

Natuwa ang Facebook user na si Nicole Ivanne Deen at vinideohan ang grupo dahil biritero ang mga kabataan at hindi gaya ng ibang bata na basta makakanta lang kahit papaano. Ayon kay Nicole, madalas na raw pumupunta ang mga bata sa restoran para kumanta at mamasko, at pinapapasok ng staff ng kainan kapag mangangaroling na.

Ayon sa ulat ng GMA, sa pamamagitan ng pag-awit ay napapawi ang pait na kanilang sinapit sa hagupit ng bagyong Yolanda ilang taon lamang ang nakararaan.

Nag-viral ang video na inupload ni Nicole at may mga nagpahayag ng wish na sana’y magkaroon ang mga bata ng pagkakataon na magamit ang kanilang galing sa pagkanta upang maiangat ang kanilang buhay!

Panoorin ang orihinal na video na inupload sa FB.

Nakarating na rin sa GMA News, 24-Oras, ang kanilang nag-viral na video.

This article has been viewed 3056 times. Article originally posted: December 22, 2016, 9:13 pm (UTC-0). Last update: December 23, 2016 at 6:59 am (UTC-0).

Loading...