Pari itinanggi ang pagkakasangkot umano sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte


Images from Veritas846/ Maharlika Facebook page
Ito ang kumalat na post mula sa Maharlika Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Mariing itinanggi ng isang pari ang kumalat na balita na sangkot siya sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang ‘signature campaign’.

Lumalabas na ang nasabing balita ay wala palang katotohanan at ipinakalat ng isang Facebook page.

Sa pahayag na inilabas ni Fr. David Reyes, kura paroko ng Saint Joseph the Patriarch Parish sa isang maliit na barangay sa Laguna, wala umanong katotohanan ang balita na siya ang nagpasimula ng naturang kampanya sa kanilang parokya na naglalayong patalsikin sa puwesto si Duterte.

“Saint Joseph the Patriarch Parish has never engaged in any signature campaign calling for the Philippine President’s resignation or ouster while the parish supports its Diocese (Diocese of San Pablo, Laguna) in its stance against the death penalty and extrajudicial killings,” paliwanag ni Reyes sa isang panayam ng Radyo Veritas.

Malisyoso umano at walang basehan ang naturang impromasyon na ipinakalat daw ng isang parishioner sa isang Facebook page.

“We encourage the parishioners and all our brothers and sisters to be cautious in being swayed by fake news such as this. The news is malicious, baseless and unfair, and does not verify information if they are factual or hearsay,” ayon kay Fr. Reyes.

“The news is based on a message posted by Maharlika Facebook page from an alleged parishioner,” dagdag pa nito.

Si Fr. Reyes ay ang parish priest ng Saint Joseph the Patriarch Parish sa Brgy. Langgam, sa siyudad ng San Pedro sa Laguna.

Wala rin umanong petisyon o ‘signature campaign’ na ipinapakalat niya sa kaniyang parokya upang puwersahing pumirma rito ang mga tao.

“It is laughable that a barangay parish, with a small population roughly of twelve thousand people – Duterte and non-Duterte supporters – would engage in such a signature campaign,” giit pa ng pari.

This article has been viewed 3459 times. Article originally posted: December 22, 2016, 4:57 pm (UTC-0). Last update: December 22, 2016 at 4:57 pm (UTC-0).

Facebook Comments