Pinay na nahatulang mabilanggo sa Kuwait dahil sumapi sa ISIS, bibigyan ng legal assistance ng pamahalaan


Image from KUNA

Bibigyan ng legal assistance ng pamahalaan ng Pilipinas ang isang Pinay na napaulat na nahatulang mabilanggo ng sampung taon sa Kuwait dahil sa pagsapi nito sa teroristang ISIS group.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi umano ng tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs na si Charles Jose na bineberipika pa nila ang ulat na pagsentensiya sa Pinay OFW, pero siniguro niya na makakakuha ito ng legal assistance mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Ani Jose, handa ang pamahalaan na magbigay ng legal na tulong sa OFW upang dumaan ito sa angkop na proseso ng batas at hindi malabag ang kanyang mga karapatan.

Ang desisyon ng korte sa Kuwait na nagsabing guilty ang Pinay dahil sa pagsali sa ISIS, ay hindi pa pinal, ayon kay Jose, at maaari pa itong iapela.

Ang Pinay na hindi pinangalanan ay nadakip ng mga awtoridad sa Kuwait noong Agosto ng taong kasalukuyan. Umamin umano ito na kasapi siya ng ISIS at nagpaplanong magsagawa ng pag-atake.

 

Source :

GMA Network

This article has been viewed 1299 times. Article originally posted: December 27, 2016, 7:18 am (UTC-0). Last update: December 27, 2016 at 12:51 pm (UTC-0).

Loading...