Pinoy sa Dubai kinasuhan dahil sa pangungutya sa relihiyon ng roommate


Image from WikiHow

Nahaharap  sa ilang kaso ang isang Pilipino sa Dubai dahil sa kanyang racist comments laban sa kanyang roommate na isang Pakistani.

Ayon sa ulat ng Khaleej Times, ginawa ng Pinoy, na hindi pinangalanan, ang masamang komento sa gitna ng pagtatalo nila ng kasama sa silid.

Nagsimula umano ang kanilang argumento noong magsasagawa ng “adhan” o Islamic call ng pagsamba ang Pakistani na isang Muslim at nakiusap ito sa Pilipino na hinaan ang pinakikinggang musika, pero hindi ito sumunod kaya ang Pakistani ang nagpatay ng tugtog, na ikinagalit ng Pinoy. Tinawag nitong terorista ang mga Muslim.

Tumawag ng pulis ang Pilipino dahil sa nangyaring hindi pagkakaunawaan.

Sinabi ng imbestigador na pinagsabihan ng mga rumespondeng pulis ang Pilipino na igalang ang paniniwala ng ibang tao, pero nagalit daw ito sa kanila at nagbanta pa.

Nahaharap ang Pilipino sa dalawang kaso ng pang-iinsulto sa pananamplataya at kakasuhan din sa pagbabantang ginawa laban sa mga pulis.

Ibababa ng korte ang kapasyahan sa kaso sa ika-7 ng Pebrero 2017.

 

This article has been viewed 2897 times. Article originally posted: December 23, 2016, 1:56 pm (UTC-0). Last update: December 23, 2016 at 1:56 pm (UTC-0).

Facebook Comments