Senadora Leila De lima, tinawag na “Public Enemy No. 1”


Image capture of video by GMA News via YouTube channel

Idineklara ni Solicitor General Jose Calida si Senadora Leila De Lima bilang “Public Enemy No. 1” dahil sa umano’y ginagawa nitong destabilisasyon sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kalaban natin ang ilegal na droga, at sino ang nagbibigay suporta sa paglaganap ng droga? Si dating Justice Secretary De Lima. Kung gayon, siya ay Public Enemy No. 1,” pahayag ni Calida sa paglulunsad ng Coalition Against Illegal Drugs sa Maynila.

Ayon sa ulat ng The Standard, nangako si Calida na ang kanyang opisina ay magbibigay ng legal na serbisyo sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at iba pang nagrereklamo na nag-aakusa kay De Lima na umano ay tumanggap ito ng pera mula sa mga drug lords kapalit ng proteksyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Sabi pa ng Solicitor General, kailangang mapagbuti pa ang legal na makinarya ng mga grupong nagrereklamo upang tapatan ang makinarya ni De Lima.

“Upang palakasin ang determinasyon ng mga nagrereklamo, ipahihiram ko ang reputasyon at dignidad ng aking opisina upang ipagtanggol at tulungan sila sa mga kaso laban kay De Lima,” ani Calida.

 

This article has been viewed 582 times. Article originally posted: December 20, 2016, 3:23 am (UTC-0). Last update: December 20, 2016 at 3:23 am (UTC-0).

Facebook Comments