Si Duterte ang pinaka-googled Personality sa Pilipinas; Trump, sa 88 na bansa – TIME


Image via Google

Hindi na nakapagtataka na sa taong ito ay si President Rodrigo Duterte ang “Most Googled Person in the Philippines in 2016”, ayon sa Time magazine.

Inihayag ng publisher ng sikat na magasin na  si Pangulong Duterte ay kilala sa kanyang mahigpit na giyera laban sa droga; “waging a deadly war on drugs.”

Ayon sa datos na ibinigay ng search engine Google, inilathala ng Time magazine ang talaan  ng mga personalidad na pinakapumukaw sa kuryosidad ng mga tao sa bawat bansa. 160 na bansa ang sakop ng listahan.

Sa Peru, si Julio Guzman, na tumakbo sa pagkapangulo ngunit na-disqualify naman ang siyang pinakauna sa tala ng kanilang bansa. Sa Brazil, ang dating pangulo nila na si Lula da Silva, na nakasuhan dahil umano sa korapsyon at  money laundering, ang siya namang nanguna. Isang Olympic medalist, si Mariana Pajon, ang popular naman sa Colombia.

Sa Singapore, higit na naging interesado ang mga mamamayan doon sa swimming champion na si Olympic Gold medalist Joseph Schooling.

Sa mga celebrity naman, si Leonardo DiCarpio ang pinaka-googled ng mga tao sa Morocco; ang modelong si Gigi Hadidnaman sa Montenegro, at ang batikang aktres naman na si Angelina Jolie ang nanguna saTunisia.

Samantala, ang taong pumukaw sa atensyon ng maraming tao sa buong mundo ay walang iba kundi si US President-elect Donald Trump.

Si Trump ang siyang top trending na personalidad sa 88 na bansa sa taong ito; “far more places than anyone else in the world.”

Source :

TIME, GMA, Twitter, Google

This article has been viewed 1152 times. Article originally posted: December 22, 2016, 9:46 pm (UTC-0). Last update: December 23, 2016 at 6:16 pm (UTC-0).

Facebook Comments