U.S. DOT, ipag-uutos gumamit ng teknolohiya ang mga bagong sasakyan upang makapag-usap sa bawat isa


Image from NAtional Highway Traffic Safety Administration

Nagpanukala ang Department of Transportation (DOT) ng Estados Unidos ng isang patakaran na dapat gumamit ang mga bagong sasakyan ng vehicle-to-vehicle (V2V) communications technology upang makapag-usap ang mga behikulo sa bawat isa.

Ayon sa The Verge, sa pamamagitan ng V2V system ay maaaring malaki ang mabawas sa mga car accidents at sa kamatayan sanhi ng disgrasya. Ang V2V technology ay gumagamit ng dedicated short-range radios (DSRR) upang makapag-communicate ang sasakyan sa kapwa sasakyan. Maaari itong makapagpadala ng mga datos tulad ng bilis, lokasyon, direksiyon at braking status.

Sinabi ng DOT na 300 metro ang range ng DSRR, higit na malayo ang saklaw nito kaysa sa mga radar o sensor na kasalukuyang ginagamit ng ilang mga sasakyan ngayon dahil hindi iyon limitado ng mga bagay na nakaharang.

Umaasa ang DOT na ang V2V technology ay magagamit upang bigyan ng babala ang mga nagmamaneho sa paparating na panganib, partikular na kung liliko sa isang intersection o lilipat ng linya sa kalsada.

 

Source :

The Verge, Forbes

This article has been viewed 281 times. Article originally posted: December 15, 2016, 9:47 am (UTC-0). Last update: December 15, 2016 at 9:47 am (UTC-0).

Facebook Comments