12 kindergarten pupils walang habas na pinagsasaksak ng isang lalaki sa China


Image capture of video by China Central TV

Isang lalaki na armado ng kutsilyo ang walang habas na nanaksak sa mga mag-aaral sa isang paaralan sa Guangxi Zhuang Autonomous Region sa China.

Ayon sa ulat ng Business Standard, labing-dalawang mag-aaral mula sa Xiaocongzai kindergarten sa Youyi Township, Pingxiang City ang biktima ng pananaksak. Tatlo sa mga bata ang nagtamo ng malalang pinsala, bagama’t sinabi sa ulat na hindi naman umano life-threatening ang kanilang kondisyon.

Nakapasok ang lalaki sa loob ng paaralan matapos nitong sabihin na naroon siya upang sunduin ang kanyang anak na umano ay doon nag-aaral dakong 3:30 ng hapon noong Miyerkules, ika-4 ng Enero. Sa pagkakaalam rin ng ibang magulang, sa naturang paaralan nagtatrabaho ang asawa ng suspek bilang isang guro.

Kinilala ang lalaki na si Jia Pengan, 41-anyos at residente ng Pingxiang City. Kasalukuyan siyang nakapiit habang inaalam pa ng pulisya ang kanyang motibo sa pananaksak.

 

This article has been viewed 3018 times. Article originally posted: January 5, 2017, 3:21 pm (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 3:21 pm (UTC-0).

Facebook Comments