8-taong gulang na batang babae, namatay nang maiwang natutulog sa loob ng kotse


Image from Only Headlines

Hinihinalang namatay dahil sa suffocation ang isang 8-anyos na batang babae na naiwanan ng kanyang mga kaanak sa loob ng kotse.

Ayon sa ulat ng GMA News na ibinalita sa pang-umagang TV program na “Unang Hirit”, ang mga kaanak ng batang babae na kinilalang si Janna Jacobe ay nagpunta sa isang mall sa Pasay City, kung saan nila ginugol ang buong gabi noong Martes, ika-3 ng Enero. Dakong alas-tres na ng madaling-araw nang sila ay nakauwi.

Hindi umano napansin ng mga kaanak ng bata na naiwan siyang natutulog sa loob ng kotse.

Napansin umano nila na buong maghapon noong Miyerkules, ika-4 ng Enero, na hindi nila nakikita si Janna kaya hinanap nila ito. Gabi na nang matagpuan siya sa backseat ng kotse at wala nang buhay.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na namatay ang bata dahil na-suffocate sa loob ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, maaaring managot ang driver ng kotse sa salang negligence resulting to homicide.

 

Source :

GMA Network

This article has been viewed 3589 times. Article originally posted: January 5, 2017, 2:36 am (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 2:46 am (UTC-0).

Facebook Comments