Mga opisyal na humaharang sa SSS pension hike, hinamon na mabuhay sa P40 a day


Image capture of video by TV Patrol via ABS-CBN News' YouTube channel

Hinamon nina Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate at Neri Colmenares ang mga economic managers ng Duterte administration na humaharang upang maipatupad ang P2,000  across-the-board increase sa SSS pension na subukang mabuhay sa halagang P40 kada araw.

Ang kasalukuyang pinakamababang pensyon na natatanggap ng mga SSS beneficiaries na P1,200 kada buwan ay katumbas ng P40 a day, ayon sa ulat ng Inquirer.

Ayon kay Zarate, napakadali para sa kanila (economic managers) na harangin ang pension hike dahil hindi sila ang dumaranas na hindi makakain ng sapat at makabili ng gamot upang tulungang mabuhay ng mas mahaba ang mga pensioners.

Dagdag pa ni Zarate, tila mas importante pa para sa mga economic managers ang credit ratings ng Pilipinas kaysa sa milyon-milyong pensioner na matutulungan ng pagtaas ng SSS pension.

Kaya ang hamon ni Zarate at Colmenares kina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority (Director General Ernesto Pernia ay subuking mabuhay sa SSS base pension na P1,200 upang maintindihan nila kung ano ang dinaranas ng mga pensioners.

Sina Dominguez, Diokno at Pernia, ayon pa rin sa ulat ng Inquirer, ay gumawa ng rekomendasyon na harangin ang joint resolution ng Kongreso na bigyan ng P2,000 increase ang SSS pension na ang unang P1,000 ay ibibigay sana ngayong buwan ng Enero at ang ikalawang P1,000 ay sa 2019.

This article has been viewed 1779 times. Article originally posted: January 5, 2017, 2:17 am (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 2:47 am (UTC-0).

Loading...