Natagpuang bato sa China na hugis UFO, palaisipan sa mga eksperto


Image capture of video by Mystery History via YouTube channel

Isang bato na may kakatwang hugis ang nadiskubre ng isang residente sa kabundukan ng Hubei province sa China. Ang bato ay kahawig umano ng isang unidentified flying object o UFO.

Ayon sa ulat ng Sina, isang online media company, habang nagmamaneho sa bulubunduking bahagi ng Baokang County, nakita umano ni Xia Changjun ang kakaibang hugis ng bato na nakausli mula sa lupa.

Napukaw ang interes ni Xia kaya bumaba siya at nilapitan ang bato. Nang makita niya ito sa malapitan, nagpasiya siya na gusto niyang hukayin iyon kaya hinanap niya ang may-ari ng lugar upang humingi ng permisong makuha ang bato.

Kakaiba ang hugis ng pabilog na bato, may mga poste iyon at butas na hindi mawari kung gawa ng tao, ng kalikasan o ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Maging sa mga eksperto at historian sa lugar na iyon ay naging palaisipan ang kakaibang hugis ng bato.

Ang bato ay may lapad na 6.6 talampakan, 9 na talampakan ang haba at 5.2 talampakan ang taas at tumitimbang ng anim na tonelada.

Ang bato ay binibili kay Xia sa halagang $14,000 pero tumanggi siya. Aniya, napakahalaga niyon sa kanya para ipagbili.

Image from Sina
This article has been viewed 3159 times. Article originally posted: January 3, 2017, 8:54 am (UTC-0). Last update: January 3, 2017 at 8:54 am (UTC-0).

Loading...