Pagmumura at racial slur ng Las Vegas woman laban sa mga Pilipino, nakunan ng video


Isang babaeng residente ng Las Vegas ang kinunan ng video habang nagpapaulan ng mura at mga racial slurs laban sa kanyang kapitbahay na isang Filipino.

Nag-ugat umano ang insidente sa isang argumento tungkol sa mga dahon na nagkalat sa harapan ng kanilang mga bahay.

Ayon sa Pinoy na si Dexter Manawat, kumuha ng walis ang kapitbahay na babae at nagsimula na  itong magmura. Hindi lang siya ang minura kundi ang lahat umano ng  mga Filipino.

“You’re like orange savages. “Orange motherf***er, go back to where you came from!” sigaw ng babae.

Tinanong ni Manawat kung saan siya nanggaling: “Where did I come from?”

Na sinagot ng babae nang ganito: “From some piece of s*** Manila-a** f***ing ghetto living under a tarp piece of s*** land” and “one f***ing generation out of the jungle.”

Si Dexter mismo ang kumuha ng video habang nanggagalaiti ang babae sa galit. Ang video ay in-upload niya sa kanyang Facebook account. Libo-libo na ang views ng nasabing video bago nagdesisyon si Dexter na tanggalin iyon sa kanyang Facebook page.

Aniya, bagama’t sinasabi ng marami na dapat lang sa babae iyon, hindi umano siya naniniwala na sagot sa kanilang gusot ang karahasan o pisikal na pananakit. Sabi ni Dexter ay marami na ang nagagalit at naghahanap sa babae.

“Sa halip na hanapin siya, kailangan natin siyang ipagdasal. Ipagdasal na sana ay palambutin ng Diyos ang kanyang puso,” sabi ni Dexter.

Sa ulat ng KTNV, sa bandang huli ay napagtanto ng babae ang maling nagawa kaya humingi ito ng paumanhin.

Narito ang video:

 

 

This article has been viewed 4342 times. Article originally posted: January 5, 2017, 3:30 pm (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 3:30 pm (UTC-0).

Facebook Comments