[Panoorin] 2-taong gulang na bata, iniligtas ang kakambal sa pagkakaipit sa natumbang aparador


Image capture of video by Kayli Shoff via YouTube channel

Itinuturing na himala ng kanilang mga magulang ang pagkakaligtas ni Brock Shoff, 2-taong gulang, sa kanyang kakambal sa si Brody nang madaganan ito ng natumbang aparador sa kanilang kuwarto.

Ang insidente ay nakunan ng surveillance video sa loob ng kuwarto ng kambal sa Utah sa Estados Unidos.

Makikita sa video na naglalaro ang kambal at sinubukang umakyat sa nakabukas na drawer ng aparador, ngunit natumba ang aparador at naipit ang bahaging ulunan ni Brody. Si Brock, na hindi naipit, ay agad tumayo.

Sa kanyang murang isipan, alam ni Brock na kailangan niyang iligtas ang kakambal kaya gumawa siya ng paraan kung paano gagawin iyon. Nagawang itulak ni Brock ang aparador na nakadagan at nailigtas niya ang kakambal.

Ayon sa Daily Mail, sinabi ng ina ng kambal na napagpasyahan nilang mag-asawa na i-post sa YouTube ang video upang magsilbing babala sa mga katulad nilang mga magulang. Aniya, dapat siguruhing naka-angkla sa pader ang mga mabibigat na muwebles tulad ng aparador upang maiwasang mangyari ang naranasan ng kanilang kambal na anak.

Nagpapasalamat ang mag-asawang Kayli at Ricky Shoff dahil kapwa ligtas ang kambal.

Narito ang video:

Source :

Daily Mail, CNN, Time

This article has been viewed 2929 times. Article originally posted: January 4, 2017, 6:30 am (UTC-0). Last update: January 4, 2017 at 6:30 am (UTC-0).

Loading...