“Sample King” Jhong Hilario, nagreklamo sa poor customer service ng Cebu Pacific Airlines


Image from Jhong Hilario's Instagram account

Idinaan sa pag-tweet ni Jhong Hilario, isa sa mga hosts ng noontime show na “It’s Showtime”, ang sama ng loob dahil umano sa hindi maayos na customer service ng Cebu Pacific Airlines.

Ayon sa Trending News Portal, galing umano ang TV host at mahusay na dancer sa Guangzhou sa China dahil dumalo ito sa isang dance event doon noong December 27. Nangyari ang hindi magandang karanasan ng dating miyembro ng sikat na Streetboys dance group noong pauwi na siya sa bansa noong Bisperas ng Bagong Taon, ika-31 ng Disyembre.

Tweet ni Jhong: [email protected] Air ganyan ba talaga kayo kagulo? “Yung mga luggages kung saan saan napupunta. ‘Yung mga luggages ng mga foreigners nawawala. Nakakahiya.”

Sinundan niya ito ng isa pang tweet: “Anong oras na? Gusto na namin makauwi! Kung hindi ko pa nakita ‘yung isang luggage ko sa kabilang conveyor, malamang nawala na.”

Mabilis namang sumagot ang Cebu Pacific Airlines sa post ni Jhong at humingi ng paumanhin. Ayon sa kanila, ang pagsisikip sa luggage area ay dahil umano sa sabay-sabay na pagdating ng mga flights at sa sobrang dami ng mga pasahero. Ginagawa umano ng kanilang airport personnel ang buong makakaya upang ayusin ang mga bagahe ng mga pasahero.

 

This article has gone viral and has been viewed 21391 times so far. Article originally posted: January 3, 2017, 11:48 am (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 2:49 am (UTC-0).

Loading...
  • infestedOne

    hay naku cebupac, lage na lang kayo ganyan nuh.. kailan kayo mag.bago? paki-improve naman po yung serbisyo ninyo..

  • Shiryll Schofield

    What a rubbish reason! You should limit the number of your flights if you can’t handle the “huge numbers” of travelers!