School para sa mga transgender students, binuksan sa India


Image from Locker Dome

Isang paaralan para sa mga estudyanteng transgender ang binuksan sa India upang mabigyan ng pagkakataong muling makapag-aral ang mga transgender adults na tumigil sa pag-aaral.

Ayon sa Telesur, ang pangunahing ideya kaya binuksan ang naturang paaralan ay upang mabigyan ng edukasyon ang mga transgender na napilitang tumigil sa kanilang pag-aaral dahil sa malawakang diskriminasyon at pambu-bully na naranasan.

Tinatayang may halos dalawang milyong transgender na mga indibidwal na sa India. Noong taong 2014, nagpasya ang Supreme Court na mayroon silang (mga transgender people) pantay na karapatan sa ilalim ng batas at binigyan ng legal status ang third gender.

Sa ngayon, anim na estudyante ang tinanggap na sa paaralan na tinawag na Sahaj International. Ang anim ay pawang “male-to-female” na uri ng transgender.

Kasama ng tradisyunal na kurikulum na isinusulong ng pamahalaan, tampok din sa nasabing transgender school ang vocational training. Ayon sa nagtatag ng paaralan na si Vijayraja Mallika, layunin ng paaralan na masigurong makapapasok sa mga disenteng trabaho ang mga ga-gradweyt doon.

 

This article has been viewed 377 times. Article originally posted: January 1, 2017, 11:56 am (UTC-0). Last update: January 1, 2017 at 12:56 pm (UTC-0).

Facebook Comments