[Video] Jhong Hilario, sinaklolohan ang matandang nabundol ng humaharurot na motorsiklo


Image capture of video by Richard Brocoy Gapasin via Facebook

Sa isang video na ibinahagi ng isang Facebook user, makikita ang ginagawang pagtulong ng aktor at dating Streetboys dancer na si Jhong Hilario, na ngayon ay naninilbihan bilang konsehal sa Makati City.

Ayon sa Facebook user na si Richard Brocoy Gapasin, nasaksihan niya ang pangyayari at navideohan kung paano huminto ang sasakyan ni Jhong Hilario upang saklolohan ang matandang nabundol ng isang motorsiklo malapit sa Magallanes Flyover sa Makati City.

Makikita sa nasabing video na nakaupo si Jhong sa tabi ng biktima at inilagay ang kanyang jacket sa ulunan ng matanda upang magsilbing suporta sa ulo nito.

Hindi umano umalis si konsehal Hilario hangga’t hindi pa dumarating ang mga paramedics. Hindi naman malinaw kung nahuli o tumakas ang driver ng motorsiklong nakabangga sa matanda.

Maraming netizens ang humanga sa ginawang kabutihan ni Jhong.

Narito ang video na ibinahagi ni Richard Brocoy Gapasin sa Facebook:

Source :

Facebook, TNP

This article has been viewed 14894 times. Article originally posted: January 5, 2017, 2:19 am (UTC-0). Last update: January 5, 2017 at 2:46 am (UTC-0).

Loading...