Eksperto ng U.N. iginiit kay Duterte na isaalang-alang muli ang kanyang mga ‘demands’

Philippine President Duterte (left), Dr. Agnes Callamard (right)

Ang United Nations Special Rapporteur sa extrajudicial killings na si Agnes Callamard ay nanawagan sa administrasyong Duterte na alisin ang mga saligan na inilagay sa kanyang planong fact-finding misyon tungkol sa patayan sa droga sa Pilipinas, na kanyang ipinuwera dahil baka ito makasira sa naitatag nang protokol ng UN Human Rights Council.

Sa isang pahayag sa Geneva, sinabi ni Callamard na ang pagsasapubliko ng diskusyon ng mga kaso na kasulukuyang iniimbistigahan ay maaring lumabag sa dignidad ng mga indibiduwal na kasangkot.

“I deeply regret the Government’s position and urge the authorities to reconsider their demands,” sabi ni Callamard sa isang pahayag na binitiwan noong Biyernes (Sabado ng umaga sa Maynila) ng UN High Commissioner for Human Rights.

“The conditions imposed by the Government of the Philippines could contravene both the spirit and the letter of the code of conduct and are not in line with the working methods of Special Procedures,” sabi ni Callamard.

Sinabi din ni Callamard na siya ay nagmungkahi ng alternatibo bilang pagtugon sa mga request ng administrasyong Duterte, na tatalima pa rin sa code of conduct ng rights council na sumusuklob sa pagbisita ng special rapporteurs.

Ayon sa mga kinauukulan ng pamahalaan, si Callamard ay maluwag na papayagan pa ring bumisita hangga’t siya ay tumatalima sa mga saligan na inilapat ni Pangulong Duterte.

Sakop sa mga saligan na ito ay isang public debate kay Pangulong Duterte, na si Duterte ay magkakaroon ng pagkakataong magtanong tungkol sa imbestigasyon ni Callamard, at si Callamard ay susumpa bago sumagot sa mga tanong sa mga opisyal ng Pilipinas.

Loading…