[Video] Pilotong Indonesian, pinababa ng eroplano dahil nahalata ng mga pasahero na lasing na lasing ito

Image capture of video by News Wolf via YouTube channel

Nakunan sa video ang pagdaan ng piloto ng PT Citilink Airlines, ang low-cost subsidiary ng flag carrier na Garuda Indonesia, sa security check-in sa Subaraya Airport sa Indonesia na humahapay sa kalasingan at nakitang maraming ulit nahulog ang ilan sa mga dala niyang gamit kabilang ang kanyang sunglasses na nabasag pa.

Ang nakababahala ay hindi siya pinigilan ng mga security officers at nakarating siya sa loob ng cockpit ng eroplano na nakatakda niyang paliparin mula sa lungsod ng Subaraya patungong Jakarta.

Ayon sa The Jakarta Post, napansin ng mga mga pasahero na nabubulol ang piloto na kinilalang si Capt. Tekad Purna nang magsagawa ito ng announcement sa public address system ng eroplano. Napagtanto ng mga pasahero na lasing ang piloto kaya iginiit nila na bababa na lang sila ng eroplano.

Sa puntong iyon na pinababa ang nasabing piloto. Nakunan pa ng video na nakikipagtalo siya sa kanyang co-pilot at sa mga flight crew.

Ang insidente ay naganap noong ika-28 ng Disyembre ng nagdaang taon. Sinibak na sa trabaho ang piloto, pero ang presidente ng PT Citilink ay nagsabing magre-resign siya dahil sa pangyayari.

Narito ang video sa security check-in:

 

Ito naman ang video kung saan maririnig ang piloto na nabubulol sa kanyang announcement:

 

Ito ang  video kung saan pinabababa ng eroplano ang piloto:

 

 

 

Loading…