Bagong kotse advanced birthday gift ni Jinkee kay Mommy Dionisia

Imahe mula sa Instagram account ni BCloma

Bilang advance birthday gift, ipinamili ni Jinkee Pacquiao, butihing asawa ni Senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao, ng mga mamahaling bag ang kanyang biyenan na si Mommy Dionisia na magdiriwang ng kanyang ika-69 na kaarawan sa ika-15 ng Mayo.

Ayon sa ulat ng PEP, ipinagshopping ni Jinkee si Mommy D ng mga Louis Vuitton bags sa Louis Vuitton Greenbelt noong ika-28 ng Abril.

Bukod sa mamahaling mga bags, may naghihintay pa umanong brand new car para kay Mommy Dionisia sa kanyang hometown sa General Santos City.

Batay pa rin sa nasabing ulat, hindi ito ang unang beses na binigyan ni Jinkee ang biyenan ng mamahaling regalo. Noong taong 2011 ay Hermes bag ang regalo niya na nagkakahalaga umano ng isang milyong piso.

Inaaasahan din na magkakaroon ng bonggang birthday party si Mommy D dahil iyon naman ang madalas iregalo sa kanya ng anak na si Manny.

Comments
Source :

PEP, RMN, Bombo Radyo