Bea Binene, itinangging may ‘secret relationship’ sila ni Alden Richards

Images by Aldenatics and Bea Binene via Facebook pages
  • Itinanggi ni Bea Binene na may relasyon sila ni Alden Richards
  • Hindi umano kay Alden galing ang kanyang mga natanggap na red roses
  • Pinayuhan niya ang mga fans na itigil na ang pamimintas sa kanya

Mariing itinanggi ni Bea Binene na may itinatago silang relasyon ni Alden Richards. Ito ay matapos lumabas ang mga kuwento na ang mga natanggap niyang red roses ay mula diumano sa aktor.

Nilinaw ni Bea sa kanyang Instagram account na sila ni Alden ay magkaibigan lamang. Aniya, “Sana maintindihan niyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain e may something na.”

“Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak,” dagdag niya.

Nakiusap siya sa mga fans ni Alden na huwag nang bigyan ng kulay ang kanilang pagkakaibigan. “‘Wag niyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts. I actually understand that you are possessive with your idols but please wag niyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. And humahanaga ako sa suporta niyo,” sabi ni Bea.

Sa huli ay pinayuhan na lamang niya ang mga fans na huwag nang mamintas pa at pagtuonan na lang ng pansin ang kanilang mga buhay at pamilya.

Okay, I really don’t wanna say anything, but its already getting out of hand. First, it saddens me that there are people who act, think, and tell people something like that. Nakakalungkot dahil may mga oras sila mag-sabi at mag-isip ng kung ano ano sa iba, na dapat ay ginagamit nila ang oras na yun to do something good and productive. Second, sana maunawaan natin na may mga taong mas pipiliin na maging magkaibigan than anything else. Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends. Mahirap humanap ng totoong kaibigan sa industriya and I am extremely grateful to have a few real friends na tried and tested, hindi man madami, pero totoo. I hope na ganun din ang isipin nyo for your own idols. Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak. Wag nyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts. I actually understand that you are possessive with your idols but please, wag nyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. And humahanga ako sa suporta nyo. I hope this clarifies everything. And I hope we just stay positive and be happy for everyone. Use your time to love your family and love one another, not to bash people who get close to your idols. If its meant to be, it will be. 😉 No hate, just love. God bless you all ?

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

Loading…