Carlo Aquino, tampok sa magazine na ‘Cosmo’

Mga larawan mula sa Instagram account ni Carlo Aquino

Muli na namang nakikita sa showbiz limelight ang magaling na young actor noon na si Carlo Aquino. Matapos ang muling pagbibida sa teleseryeng The Better Half kasama sina Shaina Magdayao, Denise Laurel, at JC De Vera, gayundin sa pelikulang Meet me at St. Gallen katambal si Bela Padilla, tampok naman si Carlo Aquino sa magazine na Cosmo.

This month on #CosmoPHSpotlight #CarloForCosmoPHSpotlight

A post shared by Carlo Jose Liwanag Aquino (@carloholix_official) on

Narito naman ang coverpage ng naturang magazine.

#CosmoPHSpotlight #CarloForCosmoPHSpotlight

A post shared by Carlo Jose Liwanag Aquino (@carloholix_official) on

Maraming mga netizenS ang kinilig sa muling pamamayagpag ni Carlo Aquino lalo’t matunog ang bali-balitang magtatambal silang muli ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Si Carlo Aquino ay unang nakilala sa trio na JCS kasama sina John Prats at Stefano Mori noong dekada 90. Nakita ang husay ni Carlo sa drama sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa noong 1998 bilang isa sa mga anak ni Vilma Santos.

Loading…