Chillax lang? Kasunod ng pedicure, Adarna nagbahagi  naman ng video na ginugupitan si John Lloyd Cruz

Image capture from Ellen Adarna Instagram account

Kalma lang.

Sa kabila ng kontrobersyal na isyu kaugnay sa usaping paparazzi post na nag-viral kamakailan, tila walang mensaheng ipararating ang aktres-modelo na si Ellen Adarna para sa inang nag-post ng reaksyon at request na siya’y mag-public apology.

Naghain na ng kaso laban kay Ellen Adarna ang ina ng 17-anyos na babaeng pinaghinalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya sa isang restoran sa Makati.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, si Myra Abo Santos ay nagsampa ng kasong child a***e at cyber crime laban kay Adarna sa Office of the City Prosecutor sa  Pasig City.

Matatandaan noong Mayo 4, nag-post si Adarna ng video ng anak ni Santos kung saan bini-videohan umano nito si Adarna.

Ani Adarna sa caption ng video: “‘Yan ha… You know the feeling… Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It’s a tie.”

Ito ay may  hashtag  #PaparazziMoves sa post.

Nauna nang inihayag  ng teenager sa kanyang Twitter account na hindi  niya napansin si Adarna at pagkain lamang ang kanyang kinukuhanan ng video.

Ngunit ani Adarna, tama ang kanyang hinala tungkol sa babaeng costumer na kinuhanan din niya ng video.

Ilang araw makaraan ang insidente, hiningian ni Santos si Adarna ng isang public apology at sinabing nasaktan ang kanilang pamilya sa ginawa ng aktres.

Sa halip na public apology, isang video ni Adarna habang nagpapa-pedicure ang kanyang ipinost.

Sa latest Instagram post naman ni Adarna, ibinahagi naman nito ang video habang ginugupitan ang kanyang partner na si John Lloyd Cruz. Ito’y ilang oras makaraang maghain ng kaso ang pamilya ni Santos laban sa aktres.

Today's Agenda ??????? #thingswedoathome

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Hindi na nga kaya magpa-public apology si Adarna?

Loading…