“Dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa”: Sa halip na damputin, P50 sa kalsada nilagyan ng isa pang  P50

Image capture from Nicole Deveyra La Torre Facebook account

Ano nga ba ang karaniwang gagawin mo kapag nakakita ka sa daan ng P50? ‘Yung totoo?

Kakaiba ang naging aksyon ng isang netizen nang makakita ito ng P50 sa kalsada. Sa halip kasi na kunin ito ay nilagyan niya ng isa pang P50 para nga naman may kasama ito.

Nakaaaliw, ‘di ba? Aba matinding hugot ito!  

Sa Facebook post ni Nicole Deveyra La Torre, ibinahagi nito ang larawan ng dalawang P50 sa kalsada na sa halip na pulutin ay binigyan ito ng kasama.

Ito ay may caption na: “Nakakita ako ng 50 pesos sa kalsada pero hindi ko ito pinulot sa halip dinagdagnan ko pa ito ng isa pang 50 pesos dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa.”

Nakakita ako ng 50 pesos sa kalsada pero hindi ko ito pinulot sa halip dinagdaganan ko pa ito ng isa pang 50 pesos dahil alam ko ang pakiramdam ng nagiisa????

Posted by Nicole Deveyra La Torre on Thursday, May 10, 2018

Maraming netizens naman ang naka-relate sa hugot na ito ni Nicole.

Baka naman kasi naranasan din ni Nicole na mag-isa kaya siya mismo ay naka-relate din.

Halos kamukha din ito sa ginawa ng isang netizen kung saan nakakita naman ito ng P500 na sa halip na damputin ay naglagay din ito ng isa pang  P500 para nga naman may kasama siya.

Nakakita ako ng 500 pesos sa kalsada pero hindi ko ito pinulot. Sa halip dinagdagan ko pa ito ng isa pang 500 pesos dahil alam ko ang pakiramdam ng nag iisa. ??

Posted by Buhay Pinoy, Musika atbp on Friday, May 11, 2018

‘Yung totoo? ^_^

Loading…