Liza Soberano, inspirasyon ng isang tagahangang estudyante sa thread and nail art

Mga larawan mula sa Instagram account ni Michael John Ramiro

Isa sa mga celebrity ng Philippine Showbiz na itinuturing na nagtataglay ng pinakamagandang mukha ay ang Bagani Star na si Liza Soberano.

Pinatutunayan lamang ito ng pangalan ng kanyang karakter sa naturang fantaserye na “Ganda.” Ngunit hindi lamang sa Pilipinas kinikilala ang angking kagandahan ni Liza kundi maging sa ibang bansa, lalo na’t isa siya sa mga artistang Pilipinang napabilang sa listahan ng Most Beautiful Faces in the World noong 2016 at World’s Most Beautiful Face noong 2017.

Well, isang multimedia arts student na nagngangalang Michael John Ramiro ang nag-post sa kanyang Instagram account na @mikepaparami na nagpapakita ng kanyang multimedia art. Ginamit niya sa kanyang obra ang mukha ng kanyang hinahangaang si Liza.

@lizasoberano #UpCycledPassion2018 #Threadandnailart ?

A post shared by Michael John Ramiro (@mikepaparami) on

Ayon kay Michael, 12 araw niyang pinaghirapan at pinagpaguran ang pagpinta sa mukha ng kanyang inspirasyon sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaklase. Inialay niya ang artwork kay Liza , iti-nag ito, at nagbigay ng mensahe na sana ay magustuhan ito ng kanyang inspirasyon lalo na sa pag-aaral.

Finally! After 12 days na hirap at pagod sa pagpintura, pagpukpok ng ilang kilong pako, pagiikot ng mga makukulay na thread, natapos na rin! Whoooh! Worth it! I would like to thank my family at classmates na tumulong sa amazing na artwork na ito. Lakas! Makakagraduate na rin ako huhuhu. Hi @lizasoberano, ikaw ang inspirasyon ko kaya nagagawa ko ng maayos ang mga works ko sa school, thank you, I hope you like it . Kung gusto nyo ring makita mga works ng mga talented na classmates ko sa kanilang amazing na thread and nail art, just visit LPU-Laguna! Mababagis! Ang aastig! Pawer.

Loading…