Love locks sa Pinas?

No need to go to Paris or anywhere else in the world! Dahil sa Pinas man ay mayroon na ring paglalagyan ng inyong mga love locks!

Kung ikaw ay magtutungo sa Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque, hindi maaaring hindi mo mapansin ang napakaraming locks na nakakabit sa mga bakal sa paligid ng simbahan.

Sari-saring hugis, kulay at laki ng padlock ang iyong makikita at matutuwa kang isipin na marami rin pala ang nananalig na sana ay may “Forever”.

Libu-libo na siguro ang bilang ng mga locks sa palibot ng simbahan ngunit humihila ng pansin ng ilang nagtutungo roon ang isang napakalaki at napakabigat na padlock.

Napakalaki yata ng pagmamahalan na “ikinandado” ng may ari no?

 

Masdan ang mga larawan na kuha ng mga iskolars ng Definitely Filipino nang sila ay magsimba sa Redemptorist Church kamakailan.

Napakarami nang love locks, ‘di ba? At hindi lamang iyan sa isang panig ng simbahan.

Ang mga iskolars ay labis na namangha na marami palang nananalig sa pagmamahalan na walang hanggan.

Love Locks

Ang love lock o love padlock ay ikinakandado ng magsing-irog o magkarelasyon sa isang tulay, bakod, gate, monumento, o anumang pampublikong lugar bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan. Karaniwang may pangalan o inisyal ng pangalan nila at petsa ng anibersaryo ang padlock na ginagamit at ang susi ay karaniwang itinatapon, halimbawa sa ilog, upang maging simbolo ng pag-ibig na hindi magigiba o matitinag.

Mula pa noong 2000s, kumalat na ang paggamit ng love locks sa buong mundo. Habang may mga munisipalidad na itinuring na itong ‘basura’ o vandalismo, at ginastusan na rin ang pagpapaalis sa mga ito, mayroon pa rin naman tinatanggap ito at mayroon pa ngang iba na ginagawa ito bilang fundraising project o tourist attraction.

Isa ang Pont des Arts Bridge sa Paris na sumikat sa love locks tourist tradition, ngunit ito ay pinag-aalis na noong 2015 ng mga awtoridad pagkat lumabis na ang bigat ng mga ito at nagdulot na ng pagguho sa ilang panig ng bakod nito.

Samantala, may alam pa ba kayong ibang lugar sa Pilipinas na mayroon ding love locks?

Source :

Wikipedia, CNN

Loading…