Matteo kay Sarah: “Keep walking, I’ll always be beside you”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidecilli

Kinakiligan ng mga netizen ang mga larawan ng celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Popstar Royalty Sarah Geronimo habang sila ay nakabakasyon sa isang beach resort nitong Abril 30, 2018.

Mas kinakiligan ng mga netizens ang nakalagay na caption sa larawan, na nagpapakita ng pagmamahal ni Matteo sa kanyang girlfriend na si Sarah.

“Keep walking, i’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang “break down” umano ni Sarah Geronimo sa kanyang concert na “This 15 Me” sa Las Vegas kung saan hindi niya natapos ang kanyang performance.

She feels “empty” raw sa kabila ng 15 taon sa industriya, kasikatan, at nakapalibot na mga tagahanga at tagasuporta.

Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Matteo at Sarah subalit nagagawa pa rin nila itong pribado. Limitado lamang ang kanilang mga post sa kani-kanilang social media accounts kapag magkasama silang dalawa.

Loading…