Mga lokal, turista, at batang kalye, sabay-sabay na kumain ng libreng manok na inasal sa Bacolod

Mga larawan mula sa ABS-CBN News

Halos 3,000 inasal na manok ang isinilbi  at libreng ipinakain sa mga tao, lokal man, turista, at maging sa mga batang kalye at pulubi sa  kauna-unahang pagdiriwang ng Bacolod Chicken Inasal Festival nitong Sabado, Mayo 5, 2018.

Sa pamamagitan ng isang “boodle fight”, pinangunahan ng pamahalaang lokal  ang malawakang pag-iihaw ng libo-libong inasal na manok sa kahabaan ng Araneta Street na may 330 metro.

Dumalo sa nasabing kapistahan sina Igor Khovaev, Russian ambassador, kasama ang iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga panauhin, mga turista, at mga palaboy na bata at nakatatanda.

Ayon kay Bacolod Mayor Evelio Leonardia, nais nilang ihayag na ang original chicken inasal ay nagsimula sa Bacolod.

“Chicken inasal is synonymous with Bacolod City,” pahayag ng alkalde.

Layunin din ng naturang festival na itampok ang food tourism at hikayatin ang mga dayuhan na magtungo sa Bacolod City.

Ibinahagi ng Bacolod City PIO sa Facebook ang kanilang video ng kaganapan:

Loading…