‘P60M  DOT ad deal na isasauli ng Bitag Media Unlimited Inc, ibabalik sa treasury’ — Diokno

Image capture from Unang Balita video via You Tube

Sa treasury umano isasauli ang P60-M na ipinangakong ibabalik ng Bitag Media Unlimited, Inc., na natanggap nito bilang bayad sa tourism advertisements; ito ay ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Diokno na magiging bahagi ng general fund ang isasauling pera at maaaring magamit sa susunod na taon.

It goes to the treasury,” ani  Diokno. “‘Yung P60 million, if that materializes, it can be part of the general fund, which we can use next year,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagsimula ang isyu sa tinukoy ng Commission on Audit na ibinigay na bayad ng DOT na wala namang memorandum of agreement o kontrata sa pagitan ng state-run PTV-4 at sa media outfit ng magkapatid na Tulfo na sina Ben at Erwin upang mag-ere ng tourism commercials sa kanilang programa na “Kilos Pronto”.

Ang COA report ang naging dahilan upang magbitiw si Tourism Sec. Wanda Teo bilang DOT secretary.

Itinalaga naman ang dating undersecretary of the Department of Agriculture na si Bernadette Romulo-Puyat bilang kapalit ni Teo.

Source :

GMA, CNN, Inquirer

Loading…