Panoorin: TNT Boys bilang “Bee Gees” sa YFSF Kids 2018

Imahe kuha sa video ng ABS-CBN

Matapos pahangain ang mga British at American audience sa kanilang performance sa “Little Big Shots” noong nakaraang buwan, ang TNT (Tawag ng Tanghalan) Boys ay muling nagpakitang gilas sa pag-awit bilang “Bee Gees” impersonators sa “Your Face Sounds Familiar (YFSF) Kids 2018” ng ABS-CBN.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang TNT Boys, na binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez, ay perpektong panimula sa bagong season ng YFSF kung saan ginagaya ng mga young celebrities ang mga sikat na mang-aawit.

Sa nasabing singing at impersonation competition ay ginaya ng TNT Boys ang Bee Gees sa pag-awit ng “Too Much Heaven” na nagpabilib sa mga huradong sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta at Ogie Alcasid.

“”Ang ginawa ninyo is an excellent job. You all have incredible voices. It’s a perfect way to start this new season,” ani Gary Valenciano.

“What you did tonight makes all us happy. I’m so proud of you,” sabi naman ni Sharon Cuneta.

“You are so good. You were like three in one — you sounded like one unit,” ani Ogie Alcasid.

Narito ang TNT Boys bilang “Bee Gees:”

 

Loading…