Pulis na tumulong sa matandang lalaki na makababa ng sasakyan, nag-viral

Image via Facebook account of PNP Good Deeds

Walang pinipiling pagkakataon ang pagbibigay ng tulong sa kapwa.

Nag-viral sa social media ang ginawa ng isang pulis matapos niyang tulungan ang isang matandang lalaki na makababa ng sasakyan.

Ayon sa Facebook post ng PNP Good Deeds, hindi mapakali ang isang ginang dahil nais niyang magpatulong na ibaba ang kanyang asawa na hirap na umanong maglakad.

Tinulungan naman sila ng isang pulis na kinilalang si PO1 Jerald Lagazon.

Matapos matulungan ni Lagazon na makababa si manong ay inalalayan din niya itong maglakad.

Bukod pa rito, nang makita ng pulis na natanggal ang sintas ng sapatos ng matandang lalaki ay agad din niya itong itinali kahit na madumihan pa siya.

Nakunan ang mga naturang larawan sa NLEx Mega Station, San Fernando Pampanga.

Sa kasalukuyan na pag-uulat, ang naturang post ay may halos 2,000 likes na.

Nakatataba ng puso ang iyong ginawa, mamang pulis. 

Source :

Facebook

Loading…