SolGen Calida: “Makabubuti sa bayan ang pagkakatanggal kay Sereno”

Image capture via YouTube channel

Ipinahayag ni Solicitor General Jose Calida na makabubuti sa bayan ang pagkakatanggal kay Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice ng Supreme Court of the Philippines o Korte Suprema noong Biyernes, May 11, 2018.

“The Supreme Court Decision ousting Maria Lourdes Sereno augurs well for the country as it preserves the stability and integrity of the Judiciary. This decision is the epitome of its exercise of judicial independence,” pahayag ni SolGen Calida.

Si Sereno ang kauna-unahang babaeng Punong Mahistrado ng Korte Suprema.  Napatalsik siya sa kanyang posisyon dahil sa “quo warranto petition”na inihain ni SolGen Calida.

Bumoto ang  high court en banc ng 8-6, sapat upang mapawalang-bisa ang appointment ni Sereno noong 2012. Si Calida ang nag-file ng petition laban kay Sereno dahil sa hindi nito pagpapasa ng SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Pinasalamatan ni Calida ang mga mahistrado na bumotong matanggal si Sereno sa posisyon.

Loading…