Buong pamilyang Pinoy nasawi sa malagim na car accident sa California

Screenshot mula sa video ng NBC News

Limang Pilipino ang nasawi sa isang malagim na car accident sa northbound lane ng Highway 99 sa Delano, California – ang itinuturing na pinakadelikadong highway sa buong United States – noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng Balitang America, pauwi na sana sa Delano ang mga biktima mula sa isang religious meeting ng Jehovah’s Witnesses sa Bakersfield nang maganap ang aksidente mag-aalas-sais ng gabi noong ika-16 ng Pebrero.

Image capture mula sa video ng NBC News

Sinabi ni Sergeant Chris Ceaser na base sa pahayag ng mga saksi ay tumatakbo sa bilis na 70 miles per hour ang sasakyan ng mga biktima nang bigla itong kumabig sa kanang bahagi ng highway at dire-diretsong bumangga sa isang puno.

Matapos bumangga sa puno ay lumiyab ang sasakyan nilang Mitsubishi Endeavor Sports Utility Vehicle  at nasawi ang mga biktima sa pinangyarihan ng aksidente.

Image capture mula sa video ng NBC News

Kinilala ng Coroner’s Office ng Kern county ang mga biktima bilang sina Jalson Rubang Laguta, 46 years old at driver ng sasakyan; asawang si Arlene Osarin Laguta, 30 years old; anak nilang sina Caleb, 7 years old at baby Joseph, 7 months old.

Kasamang nasawi ang kaibigan ng pamilya na kinilalang si Danilo Salidad na 60 years old.

Screenshot mula sa video ng NBC News

Sinabi ng pulisya na hindi pa nila alam ang dahilan ng car crash. Tinitingnan nila kung may kinalaman ang alcohol at drugs sa aksidente.

Ang California Highway Patrol ang nag-iimbestiga sa pangyayari at magsasagawa sila ng isang routine vehicle check.

Ayon sa mga kaanak ng Laguta family, plano nilang iuwi sa Pilipinas ang kanilang mga labi.

Isang madamdaming mensahe naman ang ibinigay ng kaibigan at kasama sa simbahan ng mga nasawi.

“Jalson and Arlene were close friends. They truly loved each other and their 2 wonderful children. Their love for Jehovah their God strengthened the bond with the family and the congregation. I have enjoyed knowing them as well as Danilo. My grand­son is the same age as Joseph and he can sense that his friend is gone. Jalson and Arlene were kind friends that were always ready to help. Jalson has helped me many times when I needed it. He was a true friend. Arlene was quiet yet willing to go out of her way to help people. She devoted most of her time in teaching people about the bible. She set a good example for all Christians to imitate. I look forward to seeing them again when the Bible’s promise of a resurrection is fulfilled. They will be missed,” ani Micah Lipayon.

Loading…