Karamihan sa mga Pinoy naniniwalang bumaba ang bilang ng mga drug users – SWS survey

Imahe kuha mula sa video ng Inquirer

Karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na bumaba ang bilang ng mga drug users sa kanilang lugar sa nakalipas na taon batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Ang pinakahuling nationwide survey ng SWS na nilahukan ng 1,440 respondents ay ginawa noong ika-16 hanggang ika-19 ng buwan ng Disyembre ng nakaraang taon. Ang resulta ay isinapubliko noong Sabado, ika-16 ng Pebrero.

Ang mga survey respondents ay sumagot sa katanungan na “Kumpara sa nakaraang taon, ang bilang ng mga tao sa lugar na ito na nag-aadik sa ipinagbabawal na  gamot ay pareho lamang, mas marami ngayon, mas kaunti ngayon.”

Imahe mula sa SWS

Batay sa resulta ng survey para sa kabuuan ng bansa, 66 percent ng Filipino adults ay nagsabi na bumaba ang bilang ng mga drug users sa kanilang lugar noong nagdaang taon, 14 percent naman ang nagsabi na tumaas, 7 percent ang nagsabi na walang pagbabago. Ang natitirang porsiyento ng respondents ay nagsabi na hindi nila alam at ang iba pa ay walang sagot.

Sa naturang survey din, 95 percent ng respondents ang nagsabi na importantte para sa kanila na mahuli nang buhay ang mga drug suspects.

Imahe mula sa SWS

“This is similar to 95 percent when the question was first surveyed in June 2018. The dominant opinion in all areas was that it is important that drug suspects are captured alive: it was 97 percent in Metro Manila and the Visayas, 96 percent in Mindanao, and 92 percent in Balance Luzon,” ayon sa SWS.

Ayon sa ulat ng RMN, ang Philippine National Police ay nagpahayag ng kasiyahan sa resulta ng survey. Patunay daw ito na epektibo ang anti-illegal drug campaign ng Duterte Administration. Ang kampanya laban sa illegal na droga ay nakatulong umano sa pagbaba ng crime rate sa bansa.

Hinimok naman ng Palasyo ang mga kritiko ng drug war na itigil na ang pagbubulag-bulagan at sa halip ay pakinggan ang tinig ng publiko dahil sila na ang nagsabi na bumaba ang bilang ng mga drug users sa bansa.

Source :

PNA, RMN, Philstar

Loading…