Pinay maid sa Jordan na 10 taon nang itinatago at hindi pinasasahod ng amo, nagpapasaklolo

Imahe mula sa Usapang OFW Facebook page

Isang overseas Filipino worker na nagsisilbi bilang domestic helper sa Jordan ang humihingi ng tulong sa ating mga kababayan na sana ay maipabatid sa kanyang mga kaanak na naninirahan sa Mindanao ang masaklap niyang sinapit sa kamay ng kanyang employer.

Ibinahagi ng Facebook page na “Usapang OFW” ang tungkol sa pang-aabusong sinapit ng OFW na kinilalang si Jurah Adjaraman mula sa kanyang among babae na naninirahan sa #15 second floor Al Hassan bin khallad st. Dir Akbhar Amman, Jordan.

Imahe mula sa Usapang OFW Facebook page

Ayon sa post ng Usapang OFW, sampung taon na umanong hindi pinasasahod ng amo ang OFW na si Jurah. Sa halip na kumita siya sa pagsisilbi bilang maid sa Jordan ay siya pa umano ang pinagkakakitaan ng employer niya. Pinagtatrabaho raw siya sa mga kapitbahay at ang perang ibinabayad ay kinukuha ng amo.

Naisin mang tumakas ni Jurah ay hindi niya magawa pagkat bantay-sarado siya at hindi pinalalabas ng bahay. Hindi rin siya pinagagamit ng anumang gadgets kagaya ng cellphone kaya hindi siya makahingi ng tulong. Naipalusot lamang ng isang kaibigan ang mga larawan na ibinahagi sa OFW page.

Bata pa umano si Juhra nang dalhin sa Jordan ng matandang ina ng amo niya sa pamamagitan ng agency na hindi matukoy, ayon sa isang nagbigay ng komento sa post ng Usapang OFW.

Sa pamamagitan ng mga nakilalang kapwa Pilipino, ay humihingi si Juhra ng tulong na maipaabot sa mga kinauukulan ang kanyang kalagayan.

Imahe mula sa Usapang OFW Facebook page

Minsan na rin daw hiniling ng kawawang OFW na itago na lang siya sa maleta ng mga kapwa Pinoy na uuwi sa Pilipinas upang makatakas sa amo.

Isang Facebook user ang nagsabi na kalugar niya sa Mindanao si Juhra. Dahil sampung taon na walang komunikasyon, ang buong akala raw ng mga kaanak niya ay sinawimpalad na siya.

Samantala, makikita ang buong post ng mga detalye at larawan sa FB page Usapang OFW.

I-click ang imahe upang makita ang buong post ng Usapang OFW

Loading…