Angelica Panganiban, idinaan na sa socmed ang reklamo sa telco dahil sa palpak na serbisyo

Imahe mula sa Twitter account ni Angelica Panganiban
  • Angelica Panganiban, nagreklamo sa palpak na serbisyo ng kanyang internet service provider
  • Gumastos na diumano siya ng walong libong piso para sa serbisyo pero wala pa rin siyang internet connection
  • Sumagot ang SKY, ang internet service provider at nangakong tutugunan ang reklamo ng aktres

Relatable ang latest Tweet series ng 32-anyos na aktres na si Angelica Panganiban kaugnay ng kanyang palyadong internet service provider kaya naman nag-viral ito.

Reklamo ng dalaga, isang buwan na siyang naghihintay sa ipinangakong serbisyo ng Sky, isang cable company na siya ring internet service provider, pero wala pa ring tumutugon sa kanyang hinihinging serbisyo.

Tinanong pa ni Panganiban kung kailangan pa bang umabot sa Twitter ang kanyang reklamo.

Imahe mula sa Twitter account ni Angelica Panganiban

Makailang ulit na diumanong nagpa-schedule sa kompanya pero wala pa ring nagpupunta sa kanyang bahay, dagdag niya. “Nakaka pagod magpa schedule at maghintay sa kanila. Tapos walang darating na tao. Ano kaya yun? Bat pa nag pa sched. One month na eh.”

Lumabas din ang reklamo ng ilang mga netizens at sinabing tulad ni Angelica ay nararanasan din nila ang mabagal na serbisyo ng naturang internet service provider.

Ani ni Twitter user Jay Dum, isang linggo na daw silang walang data at cable. Nangako daw ang Sky na pupuntahan sila ng Sabado pero hindi sumipot. Nagset uli ng Miyerkules pero wala pa ring dumating.

Dahil sa sunud-sunod na tweets, nakarating sa SKY ang reklamo at sinabing puwede silang personal na makipag-ugnayan para matugunan ang problema.

“Una, gusto ko ng 2 month refund. Pangalawa, magtrabaho kayo. Kaya po ba?” dagdag tweet ng aktres.

Sinagot naman ito ng Sky, “Yes, we can make necessary rebate once you handed over us your account details, Ms. Angelica. Be also assured that we are doing our best to ensure that each and every concern of our customers is accommodated.”

Makatuwiran naman ang paniningil ng aktres sa palpak na serbisyo ng internet service provider dahil isang buwan na palang hindi inaaksyunan ang kanyang hiling lalo at umabot na pala sa walong libong piso ang nagastos niya para dito.

Idinaan na lang muna niya sa “hugot” ang kanyang pagkainis.

“Yung love life ko parating na. Yung sky na pa internet, wala pa riiiiiin! Huuuuy mami!” dagdag na tweet ni Panganiban.

Harinawa, ang susunod na tweet ng aktres ay pagpapasalamat na sa kanyang net provider.

Loading…